Andrea Torres reveals depression after split with Derek Ramsay: “Nung time na ‘yon, bagsak talaga.”

Inamin ng Kapuso actress na si Andrea Torres na nakaranas siya ng depresyon nang naghiwalay sila ng kanyang dating nobyo na si Derek Ramsay.

November 19, 2020, kinumpirma ni Derek sa publiko na hiwalay na sila ni Andrea matapos ang halos dalawang taong relasyon.

Read: Derek Ramsay confirms breakup with Andrea Torres: “There is no third party!!!!”

Read:Andrea Torres on ex-boyfriend Derek Ramsay: “If he truly respects me and my family, he’ll let us have our peace.”

Sa pinakabagong vlog sa YouTube ni Toni Gonzaga na may titulong “What Andrea Torres Learned From Her Last Relationship,” na ini-upload noong August 21, 2022, ibinahagi ni Andrea ang kanyang mga pinagdaanan pagkatapos ng hiwalayan nila ni Derek.

Ayon sa aktres, nakaramdam siya noon ng pagkawalang gana sa lahat ng bagay na kabaliktaran sa ugali niyang masayahin at positibo.

“Wala ka nang ganang gumawa ng kahit ano. Ayaw mo nang tumayo, and every little thing iniiyakan mo. Parang lahat nagti-trigger sa ‘yo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Na ang layo-layo sa Andrea… sa usually Andrea na masayahin, positive.

“Allergic ako sa negative, e, kapag na-feel ko na may nega na, shift ko agad ‘yan, e. Pero nung time na yun, bagsak talaga,” pag-amin niya.

Dagdag pa ni Andrea, hindi siya vocal na tao sa kanyang mga nararamdaman kung kaya’t sa tingin niya ay iyon ang nagpahirap sa kanya.

Ngunit sa pamamagitan ng panalangin at pagbabasa ng Bibliya ay unti-unti raw siyang nakawala sa depresyon at kalungkutan.

Aniya, “Ayun yung nag-church na ako. Ang nilapitan ko yung mga taong alam kong parang may deeper understanding kay God.”

Tikom man ang kanyang bibig sa tunay na rason kung bakit sila naghiwalay ni Derek, naniniwala si Andrea na ang dagok na iyon sa kanyang buhay ang nagpatibay sa pananampalataya niya sa Diyos.

Tanong ni Toni: “What did you learn about yourself after that relationship?”

Sagot ni Andrea: “Doon pinaka naging close yung relationship ko with the Lord. Super pray talaga ako kasi siyempre parang paano ba ‘to… siyempre parang may iba na nagagalit kasi hindi ako nagbibigay ng details.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“[Pero] hindi ko naman ikaliligaya na ma-bash yung tao. Parang for me lang, walang maidudulot na mabuti kapag nagbigay pa ako ng details kung bakit kami nag-break.

“Kasi, obviously, hindi maganda yung naging paghihiwalay namin.”

Dagdag pa niya, “So, okay na sa akin na nakausap ko yung mga taong involved.”

Isa lang daw ang kanyang natutunan: ang mahalin pa ang kanyang sarili bago ang niya mahalin ang iba.

IS ANDREA SINGLE?

Hindi nakaligtas si Andrea sa tanong ni Toni kung siya ba ay single o dating sa ngayon.

Sagot ng Kapuso actress, “Hindi ngayon, hindi at the moment. Pabugso-bugso may time na oo may time na hindi.”

Pero bukas daw siya sa posibilidad na ma-in love muli sa tamang tao at sa tamang panahon.

Read: Andrea Torres bukas sa bagong pag-ibig: “Pag ibinigay, why not?”

Handa na rin daw siyang bumuo ng sarili niyang pamilya, at dalangin na kayanin pa niya kahit magkaanak ng dalawa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Si Derek naman ay ikinasal sa sexy actress na si Ellen Adarna noong November 11, 2021 pagkatapos ng wala pang isang taon nilang relasyon bilang magkasintahan.

Read: Derek Ramsay and Ellen Adarna are now married

READ MORE:

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Declaration Saying “There is No Climate Emergency” Trends on Twitter – Greenies Have Meltdown
Next post Coming to a country near you … Confessions of a Chinese torturer: Prisoners given electric shocks on their genitals, women’s hands slammed on tables until they wept and inmates shackled to a punishment chair for two weeks