Andrea Brillantes, Ricci Rivero open up about their love story

Nagpaunlak ng couple vlog ang magkasintahang sina Andrea Brillantes, 19, at basketbolistang si Ricci Rivero, 24.

Read: Andrea Brillantes, first time sa UAAP, nagka-boyfriend pa!

Sa vlog na inilabas ni Andrea ngayong gabi, October 4, 2022, sinagot nila ng boyfriend ang ilang katanungan ng kanilang mga tagahanga, maging ng mga kaibigan nila.

Ang unang itinanong sa kanila ay kung paano ba nagsimula ang kanilang relasyon.

Ayon kay Ricci, nakita na niya si Andrea noong bata pa ito na patakbu-takbo sa isang fair.

Dagdag ni Andrea, 12 years old pa lang siya noong panahong yun. Hindi niya alam na nandun si Ricci.

Sumunod na pagkakataong nagkita sila ay sa Xylo, isang sikat na club sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Sabi ng aktres, ito yung mga panahong una niyang palabas-labas, pero hindi naman daw super walwal. Galing daw sa isang breakup si Andrea noon.

Mula sa isang birthday party, niyaya raw siya ng mga kaibigan na pumunta roon.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ito rin daw ang unang takas niya. Pagkatapos dumating daw si Ricci sa club.

Binati raw ito ng maraming tao roon. Yun pala ay party pala ito para kay Ricci.

Saad ni Andrea, “Nag-hi siya sa lahat tapos skip sa akin.”

Ano naman ang first impression niya kay Ricci? Tugon ni Andrea, “First impression ko po sa kanya mayabang, suplado, akala mo kung sino.”

Nagpakatotoo naman si Andrea na siya ang nag-first move kay Ricci.

Andrea Brillantes first move Ricci Rivero

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Ricci, “Ngayon po, itong relationship na ‘to, siya. Ikaw yung nag-follow, ikaw yung nag-message.”

Inamin naman ito ni Andrea. Aniya, “Dati po, nag-chat na sa akin si Cci before, yung nasa private account ko.”

Nag-direct message rin daw si Ricci sa kanya noon pero hindi siya nag-reply.

Dagdag pa niya, “Tapos yun na nga, nagkita na kami.”

Ni minsan ba naisip niya na magiging sila ni Ricci?

Pag-amin ni Andrea, “Hindi po. Hindi po talaga. Kasi una, mas matanda siya, basketball player siya, La Sallian siya.

“Lahat po ng red flags na nakikita ko sa isang lalaki, nasa kanya. Kasi di ba galing ako sa heartbreak, kailangan ko protektahan ang sarili ko.”

Sinagot ni Andrea si Ricci sa UAAP basketball game sa pagitan ng UP Maroons— kung saan na ngayon bahagi si Ricci—at FEU Tamaraws noong April 9, 2022.

Read: Ricci Rivero, pinag-“YES” si Andrea Brillantes sa harap ng publiko para maging girlfriend niya

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Documents over fake vaccine genocide served in court
Next post Elon Musk: Here Comes ‘Optimus’