Andi Eigenmann calls out irresponsible Siargao tourists: “BE MINDFUL”

Tinawag ni Andi Eigenmann ang pansin ng mga turistang bumibisita sa Siargao Islands na maging reponsable pagdating sa kanilang mga basura.

Sa Instagram kagabi, July 18, 2022, nagbahagi si Andi ng larawan ng mga basura na nakatumpok sa may gilid ng daan.

Makikita rito ang isang sako na may apaw na laman ng basura, bote ng alak, at disposable container.

Sabi ng aktres sa caption, sana man lang daw pagkatapos mag-happy-happy ng mga turista sa beach ay dinala nila pabalik sa kanilang tinutuluyan ang mga basura.

Buong caption ni Andi: “THE LEAST YOU COULD DO IS BE MINDFUL ENOUGH TO TAKE YOU[R] LEFTOVER ALAK AND PULUTAN AND KALAT WITH YOU AFTER YOU ENJOY A FUN NIGHT OF INUMAN AT THE BEACH.”

Andi Eigenmann reminds Siargao tourists to be responsible

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya sa isa pang Instagram Story: “OR DID YOU EXPECT OUR SEA PATROL KIDS TO BE THE ONE TO PICK UP AFTER YOUR TRASH???????????”

Andi Eigenmann reminds Siargao tourists to be responsible

2019 nang magdesisyon si Andi na permanente nang manirahan sa Siargao.

Mula noon, naging panata na niyang panatilihing malinis at tourist-friendly ang island destination.

Continue reading below ↓

February 2019, unang ipinakita ni Andi ang construction ng ipinapagawa niyang bahay sa Siargao para maging tirahan nila ng fiancé na si Philmar Alipayo.

Read: Andi Eigenmann shows progress of future island home in Siargao

Ngunit nitong nakaraang December 2021, hindi nakaligtas ang bahay nila dahil sa hagupit ng Super Typhoon Odette.

Nag-landfall ang bagyong Odette sa Siargao noong December 16, 2021.

Ang Siargao, at marami pang lugar sa Visayas at Mindanao, ay malubhang tinamaan ng super typhoon. Libu-libong katao at kabayahan ang naapektuhan.

Matapos ang bagyo, nag-post si Philmar sa Instagram ng hitsura ng kanilang bahay.

Makikitang may bahagi ng kanilang bubong ang lubos na napinsala. Natumba rin ang mga halaman sa harap ng kanilang gate.

Wala sa isla sina Andi nang manalasa ang bagyo, pero kaagad silang umuwi nang humupa ito.

Emosyonal si Andi dahil bukod sa nasalanta ang kanilang lugar, marami rin sa mga kaibigan at mahal nila sa buhay sa Siargao ang naapektuhan.

Continue reading below ↓

Read: Andi Eigenmann’s house, area in Siargao destroyed by Typhoon Odette

Kasama nina Andi at Philmar sa Siargao ang mga anak nilang sina Lilo at Koa, at anak ng aktres kay Jake Ejercito na si Ellie.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Cult-Owned International Energy Agency demands Worldwide Lockdowns to meet Climate Goals
Next post Happy 70th Birthday David Icke from Simon the Poet and Stu the Chef