Alodia Gosiengfiao alludes to ex-boyfriend who cheated on her

Idinaan ni Alodia Gosiengfiao sa cypher o coded message ang patutsada niya sa isang ex-boyfriend na binansagan niyang “cheater. “

August 13, 2022 nang i-post ni Alodia sa Facebook ang buwelta niya sa ex-boyfriend na tila nagbitiw ng salitang “maraming bawal” noong sila ay magkarelasyon pa.

Nakasulat iyon gamit ang salitang Al Bhed na isang cypher na gamit sa role-playing video game na Final Fantasy.

Alodia Gosiengfiao

Pero mabilis iyong na-decode ng fans ni Alodia, na kilalang gamer, cosplayer, at vlogger.

Sabi sa post ni Alodia gamit ang Google translator: “‘Maraming bawal’ in my past relationship?

“Ok, I didn’t know ‘maraming bawal’ na pala ang to sleep with other girls since 2018 when you’re still in a relationship [grinning face with sweat emoji] ‘

“‘di ba basic lang yun? [grimacing face emoji]”

Umalma man sa pambababae noon ng dating karelasyon, iginiit ni Alodia na masaya na siya sa buhay niya ngayon.

Patutsada pa niya sa ex-boyfriend: “Tbh, I think we are happy with our present. Me, I am. Please stop using our past as content.”

ALODIA’S MOST RECENT EX-BOYFRIEND

Hindi man pinangalanan ni Alodia ang ex-boyfriend na tinutukoy niya, ipinahiwatig nitong karelasyon niya ang lalaki sometime in 2018.

February 2018 nang opisyal na naisapubliko ang relasyon nina Alodia at Wil Dasovich. Si Wil ay kilalang vlogger at dating Pinoy Big Brother housemate.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpaplano nang magpagawa ng dream house sina Alodia at Will, base sa October 2021 vlog na pinost noon ni Wil.

Pero noong November 2021, kinumpirma ni Alodia na break na sila ni Wil matapos ang makailang-beses na sinubukan nilang magkaayos. Hindi naman sinabi ni Alodia ang eksaktong dahilan ng hiwalayan nila ng nobyo noon.

Sa kasalukuyan, masaya na si Alodia sa piling ng fiancé niyang si Christopher Quimbo.

Si Wil naman ay napapabalitang karelasyon ang aktres na si Carla Humphries, pero wala pang pormal na kumpirmasyon mula sa dalawa.

Related stories:

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Global death from all causes at unprecedented levels since fake vaccine rollout
Next post Smart City Planners Confirm Bluetooth and WiFi Devices Transmit Data Even When Disconnected