Aljur Abrenica on possible reconciliation with estranged wife Kylie Padilla: “Wala namang nakakaalam kung anong mangyayari.”

Ayon kay Aljur Abrenic, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tinutuldukan ang relasyon nila ng estranged wife na si Kylie Padilla.

Bagamat hindi niya diretsahang sinagot kung hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang asawa, naging bukas siya sa pagsasabing hindi nawala ang aktres sa puso niya.

Pahayag ni Aljur, “Hindi naman siya mawawala [sa puso ko].

“Isang dekada kaming magkasama, part of myself is siya na, e.

“Hindi ko alam kung paano ko mapu-put into words pero hindi siya mawawala dun.

“Hindi ko masasagot yung tanong [kung mahal] but here’s what I can say—ako, kay Kylie, I’m proud of her as a mom.

“Tumatayo siya doon for a week na wala yung tatay, tapos inaalagaan niyang mabuti yung mga bata, ang babait nung mga bata.

“Masaya ako even though we’re separated, fix na kasi sa amin yun, e. We’re still growing together.

“Na-appreciate ko siya, na-appreciate ko yun. Kasi we appreciate what happened.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinahayag ito ni Aljur sa panayam sa kanya ng veteran entertainment columnist na si Aster Amoyo noong November 18, 2022.

Sundot na tanong ni Aster: “But you’re not closing your doors to the possibility [of reconciliation]?

Mabilis na sagot ni Aljur, “May nagsarado ba sa mga nangyari before?

“Yung iba nga sinasabi wala na talaga pero meron pa, di ba?

“Wala namang nakakaalam kung anong mangyayari.

“Hindi ko nga alam na maghihiwalay kami, e.

“Hindi ko nga alam na magkakaanak kami, e.”

CO-PARENTING

December 2018 nang ikasal sina Aljur at Kylie.

Biniyayaaan sila ng dalawang supling—sina Alas Joaquin, 5, at Axl Romeo, 2.

Noong February 2021, lumikha ng ingay sa social media ang cryptic posts ni Kylie sa Instagram na nagpapahiwatig na may pinagdadaanan silang pagsubok ng asawa.

Read: Netizens ask if Kylie Padilla-Aljur Abrenica marriage is on the rocks after reading her cryptic posts

July 2021 nang aminin ng mismong ama ni Kylie na si Senator Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak at si Aljur dahil umano sa third party.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Read: Robin Padilla reveals daughter Kylie broke up with husband Aljur over third party

Sa panayam sa kanya ni Aster, sinabi ni Aljur na sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan nila ay nanatili silang iisa ni Kylie sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Saad niya, “We’re good [Kylie] sa co-parenting doon kami nag fo-focus ngayon.

“Ang iniisip na namin yung mga bata.

“Almost every day magkausap kami.

“Kahit hiwalay kami, we’re still learning from each other how to be good parents the best possible way we can.”

Humingi rin ng pasasalamat at pang-unawa si Aljur sa lahat ng tagahanga nila ni Kylie.

Read: Kylie Padilla finally breaks silence on breakup with husband Aljur Abrenica

Saad niya, “Naa-appreciate ko ang lahat, thank you. Even though yung iba nagagalit and may sinasabi sa aking masama, I appreciate that kasi naramdaman ko yung sakit nila.

“Nasaktan din naman ako, nasaktan kaming dalawa.

“Respeto na lang kung ano yung pinagdadaanan namin.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman talaga alam ng lahat kung ano talaga yung nangyari.

“Kung mahal niyo kami, sana unconditional na lang din na respeto.

“Pero naa-appreciate ko na umaasa kayong magkakabalikan kami. Pero whatever it is, ganun talaga ang buhay, e.”

“AKO YUNG NAG-CHEAT”

Samantala, ipinagtanggol naman ni Aljur ang nauugnay sa kanya ngayong si AJ Raval, na siyang sinisisi ng iba na dahilan umano ng pagkasira ng relasyon ng mag-asawa.

Siya na lang daw ang sisihin sa pangangaliwa at huwag nang idamay pa si AJ.

Saad niya, “Hindi na mai-improve yung sitwasyon, e.

“Ako na lang, ako yung nag-cheat, ako na lang, walang kasalanan si AJ dun.

“Sasabihin ko [na] wala siyang kasalanan.

“Anything na sasabihin ko pa ngayon, it will not make it better. Hanggang doon na lang, wala siyang kasalanan, at ako ang may kasalanan.

“Hindi na siya mai-improve, hanggang doon na lang.”

Dagdag pa niya, “Tantanan niyo na si AJ.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Nahihiya ako sa kanila, nahihiya ako sa nangyari.”

Pero noong unang pumutok ang balitang hiwalayan nina Aljur at Kylie ay sinabi ng aktor na si Kylie ang unang nangaliwa sa kanilang dalawa.

Read: Aljur Abrenica claims wife Kylie Padilla cheated on him first: “Please tell them the truth.”

Sa huling bahagi ng latest interview kay Aljur, nag-iwan siya ng mensahe kay Kylie.

Aniya, “Thank you for everything and I’m happy and I appreciate you.

“Naa-appreciate ko na even though hindi na tayo magkasama, we’re still growing together sa co-parenting.

“I’m happy for you and individually naggo-grow tayo.”

READ MORE:

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post The Mail’s shameful witch-hunt of ‘selfish’ vaccine refusers
Next post Here are some advantages of using bitcoin: