Alexa Miro on Sandro Marcos: “Parang girl best friend na niya ako.”

Patuloy pa ring nauugnay si Alexa Miro, 27, kay Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos, 28, sa kabila ng pahayag ng aktres na magkaibigan lamang sila.

Nagsimulang ma-link ang dalawa nang kumalat sa social media ang larawan nilang magkasama sa isang Europe trip, na ayon kay Alexa ay kuha nang dumalo sila sa kasal ng isang common friend.

Agaw-pansin din ang pagdalo ni Alexa sa inauguration sa ama ni Sandro na si President Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo.

Namataan ding magkasama sina Alexa at Sandro sa isang bar noong Hulyo.

Hindi naman itinaggi ni Alexa ang pagiging malapit nila ni Sandro nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang estado ng relasyon nila ni Sandro.

“Ganun pa rin naman, super, super close kami. Nagkakapalagayan ng loob, may tiwala sa isa’t isa.

“The same lang sa halos lahat ng magkakaibigan, halos parang girl best friend na niya ako.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May tsansa kaya si Sandro sakaling manligaw ito sa kanya, kung totoo ngang hindi pa sila?

Sagot ni Alexa: “Hindi ko masasabi kasi hindi ko naman pinipigilan ang sarili ko kung kanino ako mai-in love.

“I don’t dictate who should I love, who should I give chance to. But right now, wala pa naman.”

May ilang pagkakataong nakasama na rin ng aktres ang pamilya Marcos, at maganda raw ang pakikitungo sa kanya ng First Family.

“Mabait silang lahat, sobra, very welcoming, and very warm. They treat us all equally.

“Like I said, noon din akala ko pag na-meet ko ang First Family, very intimidating, but it’s not. Very warm sila.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Alexa sa presscon ng Net25 Media Get Together, na ginanap sa Net25 studio 1, nitong September 21, 2022.

Si Alexa ay leading lady ni Empoy Marquez sa sitcom na Ano’ng Mayroon Kay Abok?, na magsisimulang umere sa October 1.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nakadalaw na ba si Sandro sa set ng sitcom na ito ng Net25?

“Si Congressman Sandro, naku, busing-busy yun, hindi ko rin ugali na mag-imbita ng mga kaibigan ko sa set, so hindi pa,” sagot ni Alexa.

ALEXA UNFAZED BY INTRIGUES

May ilan ding nang-iintriga na baka kaya raw siya nakuha bilang leading lady ni Empoy sa Ano’ng Mayroon Kay Abok? ay dahil identified siya kay Sandro.

Mariin itong pinabulaanan ni Alexa.

“Honestly, feeling ko wala namang kinalaman yun. Mayroon kasing connection ang TV5 with Net25 na maraming prod [production] that share the same people with the show that I was hosting, yun sa Tropang LOL.

“Nagustuhan siguro nila kung ano yung hinahandog ko sa Tropang LOL kaya siguro nai-suggest ako sa Net25 for this show,” sabi ng actress-TV host.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas si Alexa na magtrabaho sa kahit anong TV network.

Aniya, “Yes, puwede ako sa ABS, GMA, TV5, NET25, and I’m so thankful na napasama ako dito sa Ano’ng Mayroon Kay Abok?

on EMPOY as “the best leading man”

Sa kabilang banda, ibinahagi ni Alexa ang karanasan niya sa pakikipagtrabaho sa comedian na si Empoy.

“Si Empoy ang the best so far na leading man na nakatrabaho ko. Una, dahil hindi kailangang i-overbeat yung chemistry.

“Tulad ng nasabi kanina ni Sofia de Leon, si Empoy kasi is just a ball of sunshine to work with.

“Talagang hindi pilit yung chemistry, yung kasiyahan, nagko-connect kayo agad.”

Nagbida na si Alexa sa pelikulang A Girl And A Guy na idinirek ni Erik Matti at pinalabas sa Netflix nung June. Nakapareha niya rito ang baguhang aktor na si Rob Gomez.

Patuloy ni Alexa, “Para sa akin, si Empoy ang pinakaguwapo sa lahat. The best siya. Minsan nga ino-overthink ko, bakit naman pang-love team na comedy?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero pag kasama mo na siya, walang kailangang isipin.”

Sa pagpasok niya sa showbiz, napatunayan daw ni Alexa na katulad din ng mga ordinaryong tao ang mga artista na hinahangaan ng marami.

Saad niya, “Pare-parehas lang yung pakiramdam nung nagsisimula ako at sa ngayon.

“Before, bago ako mag-artista, akala ko na mahirap ma-reach o mahirap makibagay o makihalubilo sa mga artista.

“But once you become one, you get to work with all of them, patas-patas lang yung pakiramdam.

“Lahat tayo tao, lahat may pakiramdam, lahat may mga pinagdadaanan, so ayun.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post The Cult agenda on public display – British campaigners warn against assisted dying laws following ‘truly shocking’ case of Belgian woman, 23, who was euthanised after being ‘traumatised’ by ISIS attack
Next post Establishment Now Advocating Lockdowns — Not to Save You From ‘Covid’, But From Climate Change