Alex Gonzaga moves forward after miscarriage: “Hindi ko iniisip na nawalan ako ng blessing.”

Naka move-on na ang TV host-influencer na si Alex Gonzaga sa pagkawala ng panganay sana nilang anak ng asawang si Mikee Morada.

Noong October 2021 ay ibinahagi ni Alex sa publiko na nalaglag ang una sana niyang ipinagbubuntis.

Read: Alex Gonzaga reveals miscarriage: “We finally closed the book of our first pregnancy.”

Sa YouTube vlog ni Yassi Pressman nitong July 16, 2022, na may titulong “CAReoke with Yassi ft. @Alex Gonzaga Official | Part 1,” guest niya si Alex kung saan nagkulitan at nag-usap sila sa loob ng sasakyan.

Dito ay naikuwento ni Alex ang tungkol sa pagbuo nila ni Mikee ng pamilya.

Tinanong siya ni Yassi kung gusto na ba niyang bumuo ng sariling pamilya katulad ng kanyang ate na si Toni Gonzaga.

Naging seryoso ang sagot ni Alex nang mabanggit ang kanyang pinagdaanan.

Saad ng Lunch Out Loud host, “Kung kailan ibigay ng Panginoon, okay na sa amin.

Continue reading below ↓

“Alam mo, sa totoo lang, kapag sinasabi sa akin yun [pagkakaroon ng baby], walang effect sa akin yun. Kasi parang, siguro, the Lord blessed me with acceptance.”

Pag-amin din ni Alex, “Nung time na yun hindi kasi talaga ako ready.

“So, lagi kong sinasabi kay Mikee, two years pa, three years pa. Gusto ko pang i-enjoy yung married life.”

Naniniwala rin siyang may dahilan ang Diyos kung kaya’t naranasan niya ang ganoong pagsubok.

Saad ni Alex, “Pero nung nangyari yun, parang feeling ko, pinasilip lang ni Lord na, ‘Huwag mong isipin na you are not ready because you are ready. When I tell you, you are ready, you will be ready.’

“Pag naiisip ko yung sitwasyon na yun, hindi siya painful for me, yung proseso na yun.

“Parang feeling ko, kinausap ako ni Lord nung time na yun, na hindi man natuloy pero at least naramdaman ko na kaya ko pala maging mommy. Puwede pala, hindi pala kami baog.”

Continue reading below ↓

Sa huli, sinabi ni Alex: “Pag naaalala ko yung moment na yun [nawalan ng anak], hindi ko iniisip na nawalan ako ng blessing. The test became a testimony.”

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Insane Chinese Government Threatens Death Penalty for ‘Covid Infected’ (Testing Positive With A Test Not Testing For It) Who Cross Into China
Next post 158,000 Side Effects: Pfizer’s Document Dump Shows 42,086 Adverse Events, 1,233 Deaths in Early ‘Covid’ Jab Rollout