Aiko Melendez recalls how love story with Jay Khonghun began on Instagram

Nakakatuwa ang kuwento ni Aiko Melendez kung paano sila nagkakilala ng boyfriend niyang si Zambales 1st District Representative Jay Khonghun.

Sa Instagram pala nagsimula ang love story ng aktres at ng congressman.

FIRST MESSAGE OF JAY TO AIKO

Umpisa ni Aiko, “Eto yun. Sa Instagram, meron siyang message sa akin. E, di ba sa IG may option ka to accept or just to read it, di ba?

“Yung profile pic niya is cartoons, which is yung ano niya [mukha], nakasalamin siya.

“So sabi ko, ‘Sino ba itong adik na ito na parang, nagme-message sa akin, ‘Hey, can we meet?’

“’Tapos, sabi niya, ‘I am the mayor of Subic.’ So, sabi ko, parang, ‘Pakialam ko kung sino ka, kung mayor ka?’ Malay ko ba, di ba?

“So, six months yun message lang siya nang message, seen lang ako nang seen. So, finally, meron akong kailangan sa Subic,” at natawa si Aiko.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May nagbiro kay Aiko na “user-friendly” siya.

“Inaamin ko sa puntong yun, Nokia ako nun,” ang tumatawang reaksiyon ni Aiko.

Nakilala kasi ang mobile phone brand na Nokia bilang “user-friendly” o madali at convenient gamitin.

FIRST REPLY OF AIKO TO JAY

“Sabi ko, ‘Ah, yung mayor nagme-message sa akin, tingnan ko nga kung talagang siya yung mayor.’

“Sabi ko, ‘Mayor, puwede na po akong makipag-coffee sa inyo bukas kasi may ilalapit po ako sa inyo,” ang tumatawa pa ring tsika ni Aiko.

“Kasi kinukulit niya ako ng six months. Sabi niya, kasi Ma’am ang tawag niya sa akin e, ‘Sige po Ma’am, gusto niyo mamaya na, e.’

“Sabi ko, ‘Ay, hindi, bukas!’ Sa Quezon City. Sabi niya, ‘Sige po, Ma’am, luluwas po ako.’

“Lumuwas siya. Na-late ako ng tatlong oras. Kasi parang nag-change yung mind ko. Parang sabi ko, ‘Kaya ko naman, huwag na lang akong lumapit.’

“’Tapos after nun, nakunsensiya ako, sabi niya, ‘Ma’am, darating pa ho ba kayo?’ Sabi ko, ‘Bakit?’”

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

FIRST MEETING

Hindi natuloy ang plano ni Aiko na huwag i-meet si Jay dahil matiyaga itong naghintay sa aktres.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Aiko, “Sabi niya, ‘Nandito ako sa Taste of LA,’ doon ang usapan namin. Naghintay siya ng three hours!

“So sabi ko, ‘Okay sige, papunta na ako.’ Pumunta ako, finally nag-meet na kami.

“So, siyempre he had to get my number na dahil nga may kailangan ako, tinulungan niya ako dun sa kailangan ko.

“From day one hanggang nung ano na, hindi niya na ako tinigilan hanggang naging kami na. Yun ang istorya namin.”

FIRST IMPRESSION

Unang impresyon nga raw ni Aiko kay Congressman Jay ay ang kabaitan nito.

“He’s really mabait. For somebody who’s… kasi ang pamilyang Khonghun sa Subic, Zambales, very prominent sila, e.

“They’re a family of public servants—from the dad, brother, sister, lahat sila politician.

“Siya yung isang public servant na napakasimple, walang ere. Walang bodyguard, wala, driver lang, napakasimple talaga.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So iyon ang first impression ko, ‘Ang simple naman nito!’”

At eto pa ang ikinagulat ni Aiko, sa unang pagkikita pa lang nila ni Jay ay nag-usisa na ito tungkol sa kanyang former husband na si Jomari Yllana.

Kuwento niya, “At saka nakakatawa kasi unang tanong niya sa akin, ‘Ma’am, bakit kayo hindi nagkatuluyan ni Jomari?’

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Mayor ba ‘to?’ Naisip ko, ‘Ay, X ka sa akin, ekis ka sa akin!’

“Dahil una sa lahat ayokong pag-usapan si Jomari. ‘Ay, ekis ka, hindi ko na ide-date, hindi ko na kikitain!’

“E, naging persistent siya hindi na niya talaga ako tinigilan.”

Ayon pa kay Aiko, sinabi sa kanya ni Congressman Jay noon na matagal na nitong crush ang aktres.

“Hindi ko naman siya masisi. Char,” ang tumatawang sabi pa ni Aiko.

Kinumpirma ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon niya sa politician noong March 31, 2018.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang beses na napabalitang nagkakalabuan ang dalawa in the past, pero nananatiling tsismis ang mga ito dahil going strong ang relasyon ng dalawa.

At ang pinaka-importante ay malapit sina Andre at Marthena—mga anak ni Aiko—kay Jay.

Sabi ng konsehala sa isa pang interview ng writer na ito, “Ay, oo! Kasi close sila kay Jay, e. Sobrang close sila kay Cong Jay and si Cong Jay yata ang nakarelasyon ko na nalalapitan nila in terms of yung pag may problema.

“Lalo na si Marthena, sixteen, so meron na silang mga time na silang dalawa lang ang magkasama, nag-uusap sila.

“Si Andre naman, meron silang boy talk. In fact, gumimik sila ng ano, hindi ako kasama, sila lang.

“They’re very close, so wala akong problema pagdating sa bagay na yun.”

Napapanood si Aiko bilang si Lily Chua sa Mano Po Legacy: The Flowers Sisters ng GMA-7 at Regal Entertainment kung saan kasama rin sina Thea Tolentino bilang Dahlia, si Angel Guardian bilang si Iris at si Beauty Gonzalez bilang si Violet.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Amazon Web Services conditions refer to ‘a widespread viral infection transmitted via bites or contact with bodily fluids that causes human corpses to reanimate and seek to consume living human flesh, blood, brain or nerve tissue and is likely to result in the fall of organized civilization’
Next post Bill Gates has been giving UKAid tens of millions to genetically modify livestock