
Aicelle Santos mourns death of her mother: “Fly free now.”
Matapos ang tatlong buwang pakikipaglaban sa malubhang karamdaman, pumanaw na ang pinakamamahal na ina ng Kapuso singer na si Aicelle Santos.
Noong Huwebes, November 24, 2022, isang malungkot na balita ang ibinahagi ni Aicelle sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang dilaw na paru-paro na nakadapo sa kanyang kamay.
Mababasang caption ng singer” “I know this is you Ma. Fly free now. Mahal na mahal na mahal po kita.[pray emoji].”
Nasundan ito ng isa pang post kahapon, November 27, kung saan makikita ang larawan ni Aicelle kuha sa kanyang kasal—nakangiti habang nakayakap sa kanyang ina na si Leonila Santos.
“I love you so much, Ma[pray emoji],” mensahe ni Aicelle sa caption.
Noong August 22, 2022, unang nanawagan ng dasal si Aicelle para sa kanyang ina na nasa malubhang kundisyon.
Read: Aicelle Santos asks for prayers for mother who is in critical condition
September 6, 2022, muling nag-update si Aicelle ng larawan nila ng ina sa Instagram, kalakip ang kanyang mensahe ng pangungulila, panalangin, at pag-asang magising na ito mula sa pagkakaratay.
Read: Aicelle Santos continues to pray for mother’s recovery: “We miss you ma! Gising ka na po!”
September 15, 2022, sa pamamagitan ng Facebook at Instagram, muling nanawagan ng tulong sa publiko si Aicelle at ang kanyang nakababatang kapatid sa publiko na kung maaaring magbigay ng donasyon, karagdagan sa lumulobong gastusin nila sa ospital sa pamamagitan ng ginawa nilang fundraising page.
Dito rin, ay ibinahagi nila kung ano at paano sinapit ng kanilang pinakamamahal na ina ang maratay sa ospital nang kaytagal.
Read: Aicelle Santos gives update on mother’s condition; appeals for financial help
Ayon sa kuwentong ibinahagi ng kapatid ni Aicelle na si Aaron, na-admit sa ospital ang kanilang ina nang tamaan ito ng COVID-19.
Makalipas ang tatlong araw nang iuwi nila ito, nakaramdam ng pag-ubo at hirap na paghinga ang kanilang ina, dahilan para muli nila itong isugod sa ospital.
Ngunit sa kasamaang palad, na-cardiac arrest ito habang nasa daan papuntang pagamutan.
Bahagi ng post ni Aaron: “They had to revive her for nine minutes in the emergency room before they could feel her pulse again.
“The oxygen deprivation to her brain led to several seizures that lasted that entire first day. She remains a critical patient in the ICU; her vitals remain stable but she remains unconscious and intubated.
NOOD KA MUNA!
“Doctors are waiting for the swelling in her brain to subside before any intervention can be done, a wait that they say can last for two to three months. Most of her medications are given intravenously, such as anti-seizure drugs and antibiotics – these IV drugs are very costly and are given at least two to three times a day.”
Samantala, sa post ni Aicelle ay bumuhos ang dasal at pakikiramay ng kanyang fans at mga kaibigan, kabilang na sa mga nagkomento ang kapwa niya singer na sina Julie Anne Santos, Mark Bautista, Daryl Ong, Jolina Magdangal, at Pops Fernandez.
News Philippines today at https://philtoday.info/