Aicelle Santos asks for prayers for mother who is in critical condition

Nanawagan sa publiko ang singer na si Aicelle Santos na ipagdasal ang kanyang ina na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

Nitong Lunes, August 22, 2022, sa isang Instagram post idinaan ni Aicelle ang kanyang panawagan, kalakip ang litrato ng medical equipment na kuha umano sa ospital.

Caption niya, “Hiling po ako sa inyo ng panalangin para sa aming mommy who’s in critical condition right now. Her name is Leonila Santos.”

Hindi man sinabi ng singer ang sakit ng kanyang ina, umaasa siyang gagaling ito sa tulong ng Panginoon.

Saad ni Aicelle, “Panginoon, dugtungan niyo pa po ang buhay ni mommy. Isang pagkakataon pa po Lord.”

Dagdag pa ng Kapuso singer, “With You nothing is impossible (pray emoji).”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost din ni Aicelle ang Instagram story ng kanyang kapatid na si Aaron na humihingi rin ng panalangin para sa paggaling ng kanilang Mommy Leonila.

Aicell Santos

Sa comments section ay bumuhos ang panalangin at pagdamay ng kanyang mga kaibigan sa industriya kabilang na sina Rochelle Pangilinan, Iya Villania, Boobay, Jolina Magdangal, Pops Fernandez, Kyla, Daryl Ong, at Angeline Quinto.

Aicell Santos

Aicell Santos

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Cult-Owned Zelensky Warns Of ‘Nastier’ Phase Of War As Russia Says Dugin Car Bombing Was A ‘Contract Killing’
Next post Who Was Killed in Abbottabad in May 2011? Osama bin Laden or Someone Else? Pentagon Ordered Purge of Osama “Death Files” from Data Bank